25 Feb 2009



QUESTION: Anong tawag sa lalake na gwapo, matalino, may magandang trabaho at sweldo, mabait, sweet, walang bisyo, hindi mainitin ang ulo, at higit sa lahat hindi babaero?

ANSWER: Guni-guni


Narinig ko 'to kanina sa Top 10 Crazy Quotes about Love sa RX. Not exactly the same question, pero yan yung idea. Nag-send din ako ng entry:

The secret of a happy marriage... remains a secret.

Kala ko di makakapasok pero number 3 sya sa last batch nila. Natutulog pa nga ako nun sa byahe, nagising ako nung narinig ko name ko hehehe. Galing!

Late ako nakapasok kanina. Kasi past 7am na ko nagising, at ginising pa ko nun ah. Kala ko maaga na ko makakagising kasi for the past 2 days, maaga ako dumating sa office, 8am last Mon, before 9:30am kahapon. I love it pero it takes a lot of effort talaga. Gusto ko lang talaga bumangon agad pagkagising ko para wala akong time tumunganga, malungkot, at umiyak.

Haba ng pila sa shuttle terminal. Celebration nga pala ng EDSA revolution today kaya sa news, lagi sabi mega traffic everywhere and patience is virtue. Kaya di makabalik agad yung mga shuttle service galing makati kasi nga traffic. Pero nung nagbyahe naman ako, paglagpas ng Ortigas, tuluy-tuloy na.

Comments

Anonymous said…
hm.. strange thoughts :))