17 Feb 2009

Lumabas kami ni ate lai, gala kami sa megamall. Nagkita kami 7pm tapos lakad nang konti then dinner sa red ribbon. I ordered palabok, custard cake, and 4 seasons juice. Tagal namin nag usap, dami nya kwento about sa family nya, husband nya, etc. Ako syempre di nagpatalo, kelangan ko lang magkwento nang magkwento. I know this will pass. Phase lang 'to. Need ko lang gamutin sarili ko. Baka mawala ako sa katinuan kung sasarilinin ko.

Last Sun night, kala ko nasa Anger na ko dahil sinumbat ko na sa kanya sa phone lahat ng naiisip ko. I hate to do it but I just have to let it out. Tagal ko tiniis yung galit ko pero lam ko kelangan ko talaga sabihin. Tapos the next 2 days Denial na naman. Pabalik-balik. Sabi ni ate lai, ilagak ko sa Dios yung alalahanin ko para matahimik ako. Oo, tama sya. Kung sa logic lang, gets ko na lahat ng panenermon ni ate lai sa kin kung gano ako katanga pero may emotion kasi na kasama, yun ang mahirap kalaban. Dinadaya ako ng puso ko kaya nawawala ako sa logic.

Pagkatapos namin magdinner ni ate lai, pinuntahan namin si hubby nya sa cubao-edsa kasi nagvu-viewing. We waited there up to 11pm yata. Then andun din pala si bro aldwin, sinabay nya ulet ako pauwi. Before ako matulog, nagbasa ako ng magazine. Hindi ako kasing enjoy ng dati. Sad pa din talaga. Nabasa ko yung isang story dun, how he lost the love of his life through ovarian cancer. Sad story pero I learned something. The best I could do for myself is to wake up and jump out of bed every morning to brush my teeth.

This morning (18Feb), nagising ako around 4:30am. I still feel restless. Natulog na lang ulit ako. 11am na ko dumating sa office, tagal ko pumila sa terminal.

11:30 umalis ako para pumunta sa FF. Nagwithdraw muna ako tapos punta dun kasi di pa ko paid for Feb (di nacharge sa cc ni bro neil). Cycling class ni michelle. Before start, inom ako ng water sa baba, nakasalubong ko si michelle. Smile kami to each other. Ganda nya talaga. Naisip ko tuloy... babae naman kaya? yoko na sa lalake. Salbahe!

After ng workout, nagweigh ako. Nakita ako ng isang kapatid na PT, si bro adrian. Tinulungan nya ako to get yung body fat percentage. Gulat ako kasi I lost 2.4 lbs in one week! Grabe ha, better pa pala sa workout ang pagiging broken hearted hehehe. Bait ni bro adrian, sabi nya tulungan daw nya ko to lose fats (overweight pa daw ako ng 4.2 lbs though normal yung BMI ko). Bigyan daw nya ko ng program sa weight training.

Pagbalik ko sa office, may team meeting pala kami, nasa meeting room na sila wahaha!

Comments