Throwback
Habol pa sa #tbt
Pinsan ko yung katabi ko. Dambuhalang cassette player on the side. Tapos yung wall carpet na common during the 80s sa bahay ng pamilya ng OCW. Yes, OCW ang tawag noon sa OFWs. They were referred to as Overseas Contract Workers that time before they changed it to OFW.
Mabalik tayo sa wall carpet. Kadalasang design nyan camels, kasi nga galing Saudi. Tapos makalimutan na lahat ng pasalubong, wag lang ang pabangong Tatiana para sa mga nanay (asawa ng OCW). Speaking of asawa ng OCW, sa panahon ding ito sumikat ang kantang "Napakasakit, Kuya Eddie". Sa awa ng Dios, hindi naging true to life sa pamilya namin ang kwento sa kantang ito kahit na college na yata ako nung napirmi ang tatay ko sa pinas.
Wala lang. Dami ko lang naalala dahil sa picture na 'to. Ang cute-cute ko kasi haha! Alam ko pinulbusan ako ng nanay ko nyan dahil kukuhanan ng picture, pero di napunasan mabuti haha! Sa bahay 'to ng lola ko (RIP). Na-miss ko tuloy sya. I dare say (and I know all my cousins will agree) na ako ang paborito nyang apo, sa dami naming magpipinsan. Pag ganitong okasyon, 100 pesos bigay nya sa kin. Lalo ko tuloy syang na-miss, pero hindi dahil sa 100 pesos :)
Comments