Too young to be old and too old to be young (ate rose, peram muna ng line na 'to)

Birthday ko na naman pala next month (ehem! Accepting gifts, in cash or in kind, but preferrably in cash, just text me so that I can give you the bank account number :-D). Can’t believe it! Nung 12 yrs old pa lang ako, sabi ko yoko na maging 13 kasi hirap pag may monthly period! Ang laki ng problema ko noh? Pero ngayon more than double na yung 13 yrs na yun and now I wish mag-menopause na ko hahaha! Yun pa din pala problema ko after more than 13 yrs.

Nung grade school ako, gusto ko maging asawa engineer (isang klase lang ang alam kong engineer nun, civil engineer hehehe). Tapos matangkad, syempre mas matangkad sa kin at hindi maputi tapos marunong mag-guitar. Yung iba pa, yung nasa kanta ni DJ Alvaro (wag na kayong magkaila na di nyo sya inabutan, mga feelingero’t feelingera!). Kahit hindi gwapo, kahit na di matalino, tapos maginoo pero medyo bastos. Explain ko lang ha, kahit hindi gwapo basta neat and presentable, yung hindi mukhang basurero. Kahit di matalino basta may common sense. Yung maginoo pero medyo bastos, di ko na matandaan kung pano ko yun naiisip dati basta yun na yun! E di nagkaron ako ng bf na ganun, hindi gwapo, hindi matalino, hindi matangkad, hindi maitim, hindi civil engineer, at higit sa lahat hindi marunong maggitara. My gulay! True love ba? Dunno. Basta alam ko, hindi ako marunong mambasted kaya siguro ganun. Hindi ko napangatawanan yung kahit hindi matalino kasi after that relationship, sabi ko, yoko muna magka-bf ulet kasi nakakabobo. But then, after another relationship, I realized, di pala yung mismong relationship ang nakakabobo, depende pala kung sino yung kasama mo hahaha! Salbahe ko talaga, umiiral na naman ang pagkalaitera ko. Claim ko dati kay Tudz, tamed na ko sa pagiging laitera, di na ko masyado nanlalait ngayon (agree na kayo, please). Going back to the topic (may topic nga ba?)… Okay, yung sumunod na relationship, at first I was so in love. Tingin ko I found the perfect guy, but (ayan may but)… I can’t say it is the worst relationship I’ve ever had pero sad to say, parang ganun na nga (relationship-wise), but he gave me naman something good, really good, as in PERFECT and for that, I do not regret him being part of my life. Jologs na ba? Tama na nga yan… fast forward na…

Ngayon eto ako, birthday ko nga next month (2nd reminder na ha). Turning 29 yrs young/old, which ever you like. Seeing most of my friends in friendster having a family of their own. Di ako naiinggit, di ako nagmamadali, in fact, AYOKO pa/ na.. ewan! Di ako nagse-self pity. Naiisip ko lang yung age ko, waaah… anyways, 30 is the new 20 so teenager pa lang ako hahaha. I still enjoy what I do: going to the gym 2 to 3 times a week, seeing Michelle at least once a week (yun yun e!), dragging my feet to the mall every 2 weeks (takas pa sa lunch break yun ha, pag may kelangan lang bilhin), shopping galore every 6 months, spending at least 12 hrs a day in makati (office and workout hours combined), carrying a big back pack na para akong nagtanan, wala pang kasamang kikay stuff dun ha, laptop lang talaga, pang workout, at toiletries, no beauty stuff, probably soon! Masaya ang buhay, kuntento, kahit laging parusa ang pagfix ng bugs for Wells Fargo. Ok na ko sa ganito, kahit walang tax exemption for dependent children, magbabayad na lang ako ng tax kesa mag alaga ng bata! Waaah… please lang! Mas mura pa din ang magbayad ng tax kesa may palamunin ka for at least 20 yrs. Not to mention na aasikasuhin pa yun, papaliguan, ipagtitimpla ng gatas, instead na sarili ko lang iintindihin ko paggising ko sa umaga at matulog ako ng direcho sa gabi. Imagine a kid-free life! Convenient di ba? Parang 7-11 and ministop.

What makes my life more exciting is the anti-aging products that I use. I used to talk about Olay to all my friends, nanay, kapitbahay, cousins, etc. Dami ko na nga na-convince gumamit ng Olay dahil sa excited ako pag nagkukuwento ako. Pwede na nga ako pumalit kay greta at miriam as endorser hahaha! Sisimulan ko pa yan dun sa time na naghahanap ako ng Olay, first half of year 2006. I was 26 then and I’m so scared of wrinkles. I even sent an email to P&G inquiring about where to buy it in the Philippines. I remember when I was a kid, I think I was 5 or 6 yrs old then, there was this tv commercial for Oil of Olay. Ganito yung story, may girl na pinresent yung passport nya dun sa immigration officer. Nung tiningnan ng immigration officer yung date of birth nya, sabi nya dun sa girl, “There’s no way you were born then.” O divah! Kabisado ko pa yung line nya. Tapos nagsmile lang yung girl and sabi sa voice-over, “Her secret, Oil of Olay”. Kaya alam ko binenta na dito yung Olay dati pa, siguro di pa ganun ka-vain yung mga tao when it comes to aging kaya di nagclick sa market. Nagreply nga pala yung taga P&G sa email ko, ni-confirm nya na wala ngang distributor ng Olay dito sa pinas. Suggestion nya, pabili daw ako sa friends or relatives ko na nasa abroad where Olay is being sold. Tapos ayun, after 6 months, may Olay na dito! Galing noh! I still call it a co-incidence, di ko naman sinasabi na ako yung nagbigay ng idea sa P&G to sell Olay here (feelingera!), hehehe. Pero I have found something better than Olay (hindi ito yung improved Olay commercial ni miriam at la greta ha).

Mahirap lang talaga pag merong nambubwiset, bumabalik ang wrinkles. I never thought may ganung tao na walang pakialam sa feelings ng iba. Matalino naman sya, pero di nya mai-rationalize yung actions nya. Nvm h, that’s the best and only thing to do!

I’d rather stay pretty as always!

Comments