First Love

Bakit sasayangin mo ang iyong buhay?
Pag-asang nasa 'yo'y ba't pababayaan?
Bakit Pag-ibig mo ay tatalikuran
Nang dahil sa layaw at tawag ng laman?

My day ends with a smile :) Alam talaga ng Dios kung paano pasasayahin ang puso ng mga lingkod Niya.

For most part of the day, ang laki ng problemang gumugulo sa isip ko. Nahihiya ako sa Dios dahil kung anu-anong kamangmangan ang pumapasok sa kukote ko. Tama yung sinasabi sa Bible, ang espiritu ay laban sa laman at ang laman ay laban sa espiritu. Kaninang umaga lang, nag-post ako na The worst enemy is yourself. Pero kanina, narinig ko ang ganung diwa kay Bro. Ato habang nagsasalita sya sa Unang Pag-ibig. Tungkol yun sa pagkataong loob at pagkataong labas. Habang abala ang isang lingkod ng Dios sa gawaing ukol sa Dios ay lumalakas ang pagkataong loob nya bagaman ang pagkataong labas ay [maaaring] humihina. Ngunit kapag nagugumon sa mga bagay na pansanlibutan, kabaligtaran ang nangyayari, pagkataong labas ang lumalakas at yung pagkataong loob ang humihina. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ang ibang mga kapatid ay nagiging Inactive sa pagdalo ng mga pagkakatipon sa Iglesia.

Ang saya talaga pag nasa mga pagkakatipon. Kanina sa Unang Pag-ibig, kahit hindi naman ako kasali sa mga dinalaw para magbalik-loob, ang dami kong natutunan. Ang daming naging babala sa akin habang sa pakiramdam ko ay nagkakaroon ng isang malaking pag-aagawan sa loob at labas ng pagkatao ko. Andun din yun sa sinabi ni Bro. Ato. Kung anu-ano ang ipapaisip sa yo ng kaaway pero ang habag ng Dios naman ang magpapaisip sa yo ng mga utos Niya at aagawin ka para magbalik ka sa saway Niya.

Salamat sa Dios dahil kahit alam na alam ko sa sarili ko kung ano ang lalong mabuting gawin ay nagkakaroon pa din ako ng pagdadalawang-isip. Patunay lang yun na nasa kamay pa din ako ng Dios dahil may nagtatangkang agawin ako.

Salamat sa Dios dahil alam Niya na mabigat ang laban na kinakaharap ko kaya nagsusugo Siya ng mas malalakas na pwersa para hindi ako manghina.

[pic]

Ang saya ko talaga, di ko maipaliwanag. Sa awa at sa tulong Niya, nagkaroon ako ng maraming mga dahilan para hindi bumitaw. Naalala ko yung nakalagay sa blog ni sis leyn, behind me is a strong GOD.

Comments