October 19

Washing Machine and Glorietta Blast

I left the office at around 1am.  Syempre kasabay ko si Bro Alan.  Kumain muna kami sa Chowking sa may Pacific Star and around 2pm naglakad na kami pauwi.  Since wala ako pasok ng Fri (at last natuloy na din yung 2nd vacation leave ko sa office for this year, to think na October na ngayon ha.  I had 3 days VL last March pero carry over pa yun sa remaining VLs ko for 2006), nag attempt na ‘ko to use my brand new washing machine.  Hay grabe ang hirap… sa pag install pa lang ng hose for water supply, nagli-leak yung water kasi kakaiba yung faucet ko sa condo.  Around 2hrs ko siguro tinry na ayusin yun, nagkakalyo na nga ako sa fingers sa pag-turn ng screws.  Anyways, I decided to manually put water sa washing machine para once and for all e makapag start na sa paglalaba.  Then dinirect ko yung drain hose papunta sa ilalim ng sink.  After nya matapos sa Wash, automatic nag-drain yung water and bigla na lang bumaha sa may area ng sink and ref right in front of the bathroom.  May leak pala dun sa sides ng cabinets sa ilalim ng sink kung san tinatapon yung water.  Haaay… pano ko ba lilinisin ‘to e tatatlong rags lang yung meron ako sa condo (yung rags na ginagamit ng mga jeepney driver hahaha… na pinabili ko pa sa nanay ko).  For about a minute siguro nakatunganga lang ako dun sa harap ng baha kasi di ko nga alam kung ano gagawin.  I thought of calling Bro Alan (it’s like: Bro Alan, tulungan mo ‘ko linisin ‘toh huhuhu) pero syempre nahiya naman ako kasi around 3:30am na yata yun.  So what I did was to use my dust pan to sweep the water to the bathroom.  So ang bathroom ko na halos ayaw ko gamitin para di madumihan kasi di ko alam kung pano lilinisin e ayun, nabasa with reddish water (red kasi color ng floor ko).  Pagkatapos kong magtyagang maligo sa Fitness First every morning and bago umuwi para lang di mabasa yung bathroom ko tapos, ganito mangyayari??  Napasakit, Kuya Eddie, pero that’s life.  Pinagtygaan ko na lang i-sweep yung water and nung konti na lang, ginamit ko na yung precious rags ko to dry it off.  Di pa din enough so to the rescue na yung electric fan ko which I bought last month.  Nilipat ko na lang yung washing machine sa may tabi ng bathroom door para dun ko na din ilagay yung drain hose.  I had to do 2 rounds of washing, rinsing, and drying kasi syempre, hiwalay kung hiwalay!!!... ang puti sa de-color.  Parusa talaga yung paglalagay ng water sa tub… kelangan ko bumili ng hose extension and yung proper connector para sa faucet para ma-utlize ko yung “fully automatic” feature ng washing machine ko.  Haaay… finally natapos ako maglaba around 7:10am and got to sleep 30mins later.

Plan ko mag-workout at 12 noon for Body Pump and then punta ako Glorietta to buy some stuff and then uwi na.  I remembered I woke up at around 9am but it’s still early so sleep ulet.  Nagising ako ulet 12:10 na.  Oh gosh!  Di na ko makakapagworkout!  Nagmi-miss call na si Aaron kasi nga di ko pa sya na-text that day.  Then I learned na di pala nakaka-receive ng messages yung phone ko kasi full na yung inbox.  I had to delete some messages and presto!... 10 new messages came in, some of them were sent the other night pa.  Bro Alan pala was asking for a load around 10:30am pa yata.  So I had to inform him that I just woke up because of the baha that happened and then I texted my Nanay to ask load for Bro Alan.  Then I called Aaron to tell him everything that happened before I slept and also to inform him on my activities for the rest of the day.  After that, I called Bro Alan because I know he misses me already and sabi nya punta na lang daw ako Glorietta kasi andun daw sina Sis Maya.  Sabi ko, nakapantulog pa ko kaya malamang di ko na sila maabutan dun.  After namin mag usap, tumunganga muna ako for 15mins pa siguro before finally getting up to fix some of the remaining mess in my room.

I planned to workout at ABS-CBN at 5:20pm for Body Pump and Cycling para mas malapit na pauwi ko sa min.  I changed plans na lang kasi naisip ko di na accessible yung area ng Edsa-Q. Ave pauwi sa min kasi wala na yung shuttle dun papunta sa min.  I decided to workout at The Fort because the schedule for Pump and Cycling has about an hour gap so I still have time to rest before attending the next class.  I planned to go to the malls before going to The Fort.  I checked the time and whoa! It’s already 2pm and halos wala pa ko nagagawa.  5:40 yung start ng class sa The Fort so I have to be at the shuttle terminal by 4:30 e pano pa ko magmo-mall?  Siguro punta na lang ako dun para dumaan lang kasi wala nang time to shop.  Gosh!  While thinking all these, I received a message from my Nanay asking if Glorietta mall is near our office because there was an explosion there.  I said I am still in the condo and Glorietta is beside SM (she knows SM because we already went there).  Tinanong ko kung ano oras nangyari, sabi nya around 1:30 daw.  Grabe!  Kinilabutan ako nung nabalitaan ko yun.  Tinext ko din si Bro Alan kung totoo yung balita and kung nakabalik na ng office sina Sis Maya.  Sabi nya oo daw and nasa office daw sina Sis Maya.  Then nagtext na din si Aaron na meron nga daw explosion sa Glorietta, tinatanong nya kung kamusta daw ako.  Maybe he was thinking that I already left.  Naiyak ako, sabi ng nanay ko 3 na daw yung namatay and dami nasugatan.   Sabi nya uwi na daw ako and wag na daw ako gumala kasi sabi ko kanina magji-gym pa ko before ako umuwi.

Iyak ako nang iyak nun!  Salamat talaga sa Dios kasi kaya pala bumaha sa condo ko at na-late ako ng gising para hindi na ‘ko maglakwacha sa Glorietta.  Hindi talaga kayang mapantayan ang karunungan ng Dios!  Tama talaga yung sabi sa Bible na sa lahat ng bagay ay magpasalamat tayo… Who would have thought that the baha in my room would save me from that disaster?

My text message to Bro Alan:  Sayang naman ang flawless skin ko by Olay and well-trimmed and toned body by Fitness First kung masasabugan lang ako dun divah?  Panglinis lang daw ng baha ang beauty ko!

Bro Alan’s reply:  Hahaha.  Biruin mong narealize mo yun

Salamat sa Dios sa Kanyang kaloob na hindi masayod!

(To be continued…)



   

Comments